Monday, December 2, 2013

BATANGAS MOST WANTED



Dalawang most wanted sa Batangas ang nahuli ng pulisya noong nakaraang Undas dahil sa pinaigting na kampanya ng PNP laban sa kriminalidad. Ang mga nahuli ay kinilalang si Joseph Dimaano, may asawa, residente ng Brgy. Mataas na Lupa, Taysan, Batangas at si Luis Huelgas, residente ng Brgy. Sta. Maria, Sto. Tomas, Batangas. Ipinirisinta ang mga ito ni Batangas Provincial Director Omega Jireh Fidel sa Batangas Police Provincial Office Conference Room, Camp Miguel Malvar, Kumintang Ilaya, Batangas City noong ika-4 ng Nobyembre.


Napag-alaman na si Dimaano ay isa sa mga suspect sa pamamaril kay Atty. Arsenio Hernandez noong October 17, 2012 sa parking lot ng Bulwagan ng Katarungan, Brgy. Pallocan West, Batangas City. Siya ay nahuli sa Taysan Municipal Cemetery, Taysan, Batangas ng Taysan Municipal Police station sa pamumuno ni Chief of Police, PSInsp. Roland Aniwasal. 

Isa naman sa mga suspect sa pananaksak kay Conrado Pecana si Huelgas na naganap noong 1998. Siya ay nahuli ng Sto. Tomas Municipal Police Station sa pamumuno ni Chief of Police, PSupt. Barnard Dasugo  sa pakikipagtulungan ng Barangay Intelligence. Nasakote ito sa kanilang tahanan sa Sto. Tomas, Batangas matapos ang 15 taong pagtatago. 

Ayon kay PD Fidel, ang Batangas ay isa sa nangunguna sa listahan ng may pinakamaraming naaresto sa buong rehiyon. (Source: http://www.batangas.gov.ph)

No comments:

Post a Comment